Trike driver patay sa pamamaril sa Quezon City

Nasawi ang isang tricycle driver matapos barilin ng riding in tandem sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City Lunes ng gabi.

Ayon kay Batasan Police Station chief Police Lt. Col. Joel Villanueva, kinilala ang biktima na si Rogel Poayan, 46 anyos.

Ayon sa mga nakakita sa pamamaril, binabagtas ng biktima ang Bataan Road ng harangin ng dalawang lalaki at binaril ito.

Agad na tumakas ang mga suspek na hanggang ngayon ay hindi pa alam ang pagkakakilanlan.

Patuloy na inaalam ng mga pulis ang motibo sa pamamaril.

Palaisipan sa pamilya ang motibo sa pamamaslang dahil mabait anila si Rogel.

 

Read more...