Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinakikilos ng presidente ang mga ahensya ng gobyerno para bantayan ang sitwasyon partikular ang kalidad ng tubig sa lawa.
Lumutang ang mga isda sa Taal Lake dahil sa pagbabago ng temperatura at pag-angat ng asupre sa tubig.
“The President has expressed concern about the fish kill in Taal, which according to fisheries experts is caused by sulfur upswelling triggered by the strong Amihan that accompanies an extreme temperature drop,” ani Panelo.
Inatasan din ng presidente ang mga opisyal na magpatupad ng mga kaukulang hakbang upang hindi makaapekto nang malaki sa bansa ang insidente.
Kabilang sa mahigpit na pinababantayan ni Duterte ay ang presyo at suplay ng isda at ang pagtiyak na sariwa ang mga ibinebenta sa mga palengke.
Samantala, binalaan ng Malacañang ang publiko sa pagpapakalat ng pekeng mga balita tungkol sa fish kill para hindi magdulot ng pagkabahala.