Mag-asawa patay sa pamamaril sa kanilang bahay sa QC

Patay sa pamamaril ng hindi pa kilalang mga salarin ang isang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Payatas, Quezon City Lunes ng gabi.

Pinagbabaril sina Jenalyn at Jonathan Manuel sa kanilang bahay sa Lansones Street, Barangay Payatas B alas 8:00 ng gabi.

Ayon sa mga kapitbahay, nakarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril pero hindi nila nakita ang mga taong pumasok sa bahay ng mga biktima.

Nagulat na lang umano ang mga kapitbahay na nakita ang bangkay ni Jonathan malapit sa pintuan ng kanilang bahay habang ang misis nito ay nasa kusina.

Ayon sa pulisya, dalawa sa tatlong anak ng mag-asawa ang binaril din ng mga suspek.

Walan maisip ang kaanak ng mga biktima na motibo sa krimen.

Dinala sa ospital ang sugatang mga anak ng mag-asawa habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

 

Read more...