Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, inaresto ang 27-anyos na si Su Ping Yen na nagtangkang lumabas ng bansa lulan ng Air Asia flight patungong Taipei.
Paliwanag ni Medina, nadiskubreng kasama na si Su sa alert list ng Immigration dahil sa paggamit nito ng kwestyonableng Philippine passport.
Nakakulong na ngayon si Su sa detention facility ng Immigration sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang iniintay pa ang resulta ng deportation proceedings laban dito.
Napag’alaman ng mga miyemebro ng BI’s Travel Control and Enforcement Unit na una nang na offload ng mga tauhan ng Air Asia si Su mula sa isang flight mnito patungong Taipei dahil sa kaduda’dudang Philippine passport.
Matapos ma’offload, agad itong nagbook ng isa pang flight patungong Taipei gamit naman ang kanyang Taiwanese passport.
Agad na ipinagbigay alam ng Air Asia ang kaso ni Su para sa forensic document laboratory examination kung saan nakumpirmang peke ang gamit nitong passport.
Ayon kay Su, nakuha niya ang pekeng Philippine passport sa tulong ng isang kaibigan kapalit ng P3,000.