Ito ay makaraang ibasura ng Malakanyang ang inihaing motion for reconsideration ni Carandang.
Ayon kay Executive Sec. Salvador Medialdea, ibinasura ang apela ni Carandang dahil parehong argumento lang din ang inihain nito kung saan kinukwestyon niya ang hurisdiksyon ng Office of the President sa kaniyang kaso.
Sinabi ni Medialdea na dahil sa tuluyang pagkakasibak ni Carandang sa pwesto, kailangang ideklara na ng Office of the Ombudsman na bakante pwesto para sa Office of the Deputy Ombudsman.
Matapos ito idedeklara naman ng Judicial and Bar Council (JBC) na bukas para sa nominasyon ang pwesto.
Ang kasong administratibo ni Carandang ay kasunod ng naging pahayag niya noong Sept. 2017 na nakikipag-ugnayan ang Ombudsman sa Anti-Money Laundering Council para sa imbestigasyon sa yaman ng pamilya Duterte.