Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach mananatiling endorser ng Huawei

Sa kabila ng kontrobersya na kinasasangkutan ng Huawei mananatiling endorser nito si Miss Universe 2015 Pia Wurzbach.

Ayon kay Karrie Buenafe, public relations manager ng kumpanya, lumagda sa panibagong kontrata si Wurtzbach.

Kadalasan aniyang isang taon ang bisa ng kontrata.

Ani Buenafe “solid partnership” ang partnership ng Huawei kay Pia.

Sa ngayon wala aniyang plano ang Huawei Technologies, Philippines na itigil ang celebrity endorsement kasuno ng kontrobersiya na kinakaharap ng kumpanya.

Mananatili aniyang matatagal ang Huawei dito sa Pilipinas at mapapatuloy ang paglalabas ng kanilang units sa merkado.

Read more...