Ang spinal injury na naranasan ng young actor ang sinasabing dahilan ng pag-atras nito sa nasabing pelikula.
Sa inilabas na statement ng Viva Films, sinabi ng kompanya na nalulungkot sila sa nangyari. “Viva Films regretfully announces that it has accepted the withdrawal of James Reid from the movie Pedro Penduko for medical reasons. James has spinal injuries and the film Pedro Penduko involves intensive training and major stunts. His regular therapy and treatment prohibits him to train hard or perform for the rigid requirements,” ayon sa kalatas.
Higit isang taon mula ng ianunsyo na si Reid ang gaganap sa pinoy iconic role ay sinimulan na nito ang kanyang training para sa pelikula.
Gayunman, natigil umano ito dahil kinailangan niyang sumailalim sa “therapy.”
Hindi naman sinabi kung paano nakuha ni Reid ang nasabing injury.
Sa kabila nito, sinabi ng Viva Films na kahit na umatras si Reid ay itutuloy pa rin nila ang nasabing pelikula na idi-direk ni Treb Monteras.
Samantala, inihahanda na ang bagong pelikula nina Reid kasama ang girlfriend nitong si Nadine Lustre.
Isa itong remake ng Korean movie na Spellbound.