Luzon grid muling isinailalim sa yellow alert

Muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon Grid dahil sa manipis na reserba sa kuryente.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 3:00 ng hapon ang pag-iral ng yellow alert.

Ayon sa NGCP, mayroong available capacity sa Luzon na 11,820MW habang ang peak demand ay 10,867MW.

Hindi naman inaasahang magkakaroon ng rotational brownout bunsod ng yellow alert.

Read more...