Mister ng isang guro patay sa pamamaril sa loob ng paaralan sa Ormoc City

Patay ang mister ng isang guro makaraang pagbabarilin habang nasa loob ng eskwelahan sa Ormoc City.

Naganap ang pamamril sa Mabini Elementary School sa Barnagay Mabini sa naturang lungsod, Linggo (June 2) ng hapon.

Ayon kay Police Major Joel Talagon, ang nasawi ay nakilalang si Bienvenido Casimero Jr., 42 anyos na miyembro ng Civil Security Unit sa lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon, tumutulong si Casimero sa misis niyang guro sa paglilinis ng silid-aralan nang ito ay barilin.

Ang suspek na kinilalang si Ronnie Pocson ay agad tumakas.

Pinaniniwalaang ang dati nang away sa pagitan ng suspek at biktima ang dahilan ng pagpatay.

Napaulat na ang biktima ay asset ng anti-drug agency sa lugar habang ang suspek ay security aide umano ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Read more...