Inaunsyo ni Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones ang extension para sa isinagawang press conference kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw.
Ito ay dahil marami pa rin aniyang magulang ang dumudulog sa DepEd at kailangan pang makapag-apply para sa vouncher ng kanilang mga anak.
Paalala ng DepEd sa mga magulang at mag-aaral ang extension ay para lamang sa online appplication at ang manual application ay natapos na noong May 31.
Sa ilalim ng voucher program ng DepEd para sa Senior High School ang mga kwalipikadong Grade 10 finishers ay makatatanggap ng financial assistance na hanggang P22,500.
Ang mga Grade 10 na nagtapos sa local at state universities and colleges ay otomatiko nang kwalipikado sa programa.
Ang Grade 10 graduates naman mula private schools na naging bahagi na ng education service contracting (ESC) program ng DepEd ay automatic ding qualified at hindi na kailangang mag-applu.
Ang paglalabas ng resulta ng mga qualified na nag-apply ay iniurong din ng DepEd mula June 17 ay ginawang June 24.