WATCH: PNP nagbabala laban sa magsasagawa ng celebratory gunfire sa pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan

INQUIRER PHOTO/ JAM STA ROSA

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga nagbabalak na magsagawa ng celebratory gunfire sa pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan sa June 5, 2019 araw ng Miyerkules.

Ayon kay PNP chief, Oscar Albayalde, kaisa ang PNP sa pagdiriwang Muslim community sa Eid’l Fitr.

Mananatili aniyang naka-alerto ang PNP sa anumang untoward incidents na maaring maitala kasabay ng pagdiriwang, kabilang na ang mga insidente ng indiscriminate firing.

Ayon kay Albayalde, mahigpit na babantayan ng PNP ang posibleng insidente ng indiscriminate firing lalo pa at umiiral pa rin ang gun ban.

Sa June 12 pa matatapos ang pag-iral ng gun ban na kasabay ng pagtatapos ng election period.

Read more...