Sinabi ni PNP chief, Police General Oscar Albayalde na walang anumang untoward incidents na naitala sa pagbubukas ng klase kung saan aabot sa halos 28 milyong mag-aaral ang nagbalik-eskwela.
Aabot sa 149,484 na mga pulis kasama na ang mga barangay tanod ang ipinakalat sa iba’t ibang panig ng bansa upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Kaugnay nito, umapela ang PNP sa publiko lalo na sa mga magulang na maging alerto laban sa mga posibleng manamantala sa pagdagsa ng mga mag-aaral sa mga eskwelahan.
Marami naman aniyang pulis na nakatalaga sa palibot ng mga paraalan kaya sinabi ni Albayalde na hindi dapat magdalawang-isip ang publiko na magsumbong sakaling may makitang kahina-hinalang tao o bagay.