Dalawa huli sa pot session sa Maynila

MPD Photo
Timbog habang nagsasagawa ng pot session ang dalawang lalaki sa ikinasang anti-criminality campaign ng Manila Police.

Kinilala ang mga suspek na sina Christian Lario, 22 anyos, walang trabaho at ang construction worker na si Lorenzo Bautista Jr., 42 anyos.

Nabawi ng elemento ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District Moriones, Tondo Police Station-2 ang dalawang pirasong sachet ng shabu mula sa mga suspek.

Kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek na ngayon ay nasa kostudiya na ng mga otoridad.

Read more...