Biyahe ng LRT-1 ilang minutong nagka-aberya

Nakaranas ng ilang minutong aberya sa biyahe ng Light Rail Transit – 1 (LRT-1) Lunes (June 3) ng umaga na kasagsagan ng rush hour.

Sa abiso ng LRT-1, isang tren ang nagkaproblema sa bahagi ng Pedro Gil station southbound.

Dahil dito, dakong alas 7:59 ng umaga nagpatupad ng 15kph speed restriction sa biyahe ng mga tren.

Makalipas ang ilang minuto, sinabi ng LRT-1 na itinigil mula ang operasyon ng mga tren mula Baclaran to Roosevelt para maiayos ang depektibong LRV.

Nag-deploy ng technicians upang ayusin ang depektibong tren sa Pedro gil.

Alas 8:19 ng umaga nang maibalik sa normal ang biyahe sa LRT-1.

Gayunman, nagdulot na ito ng build up o paghaba ng pila ng ng mga pasahero.

Read more...