LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, June 3

Bumaba pa ang water level sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa update mula sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw, June 3 nasa 168.38 meters ang water level sa Angat dam.

Mas mababa ito ng .29 meters kumpara sa 168.67 meters na water level nito kahapon ng umaga.

Nabawasan din ang water level sa La Mesa dam na ngayon ay nasa 68.84 meters ngayong araw.

Ang iba pang dam gaya ng Ipo, Ambuklao, San Roque, at Patantabangan ay pawang nabawasan ang antas ng tubig.

Habang bahagyang nadagdagan ang water level sa Binga, Magat, at Caliraya dams.

Read more...