Ilang Vietnamese, huli sa illegal fishing sa karagatang sakop ng Pilipinas

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang dalawang Vietnamese fishing vessels na umano’y pumasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon kay Coast Guard Commander Alejandro Arica, kapitan ng MCS 3010 na nakahuli sa mga fishing vessels, dinala na ang mga fishing boats at crew sa Sta. Ana, Cagayan para I-turn -over sa Bureau of Fisheries Region 2.

Ito ay matapos matimbog ang Dalawang Vietnamese Fishing Boat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries na iligal na nangingisda sa dagat ng Pilipinas sa Northern Luzon.

Base sa report natangap ng PCG Command Center sa Manila, nagsasagawa ng patrol operations ang MCS 3010 malapit sa isla ng Calayan sa Cagayan ala 1:30 ng Sabado nang mamataan ang Vietnamese Fishing Boat.

Sinubukan itong lapitan ng Coast Guard ngunit bigla itong nagsindi ng makina at mabilis na tumakas.

Kaagad namang nagsagawa ng hot pursuit operations ang PCG.

Dalawang beses binangga ng nasabing fishing boat na may body number na BO 96281ang MCS 3010 hanggang ito ay maabutan at masakote.

Kaagaad namang hinuli ang kapitan at apat na tripulante nito.

Dahil sa pagbangga ay nagtamo ng butas at yupi ang MCS 3010.

Isa pang Vietnamese Fishing Boat na may body number na BO 95115 na nagtangka ding tumakas ang namataan bandang alsa tres ng umaga ng sabado.

Muling nagsagawa ng hot pursuit operations ang PCG at nahuli ang limang tripulante ng pangalawang Vietnamese Fishing boat.

Read more...