Magkasunod na sunog sumiklab sa Caloocan at Navotas

Tinupok ng apoy ang magkakatabing bahay sa Barangay 1, Bisig ng Kabataan sa Caloocan City.

Nagsimula ang sunog alas 11:49 ng gabi ng Linggo (June 2) sa isang bahay sa ligar.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang limang katabi pang mga bahay.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog bago naideklarang fire under control alas 12:20 ng madaling araw kanina (June 3).

Samantala, alas 10:23 naman kagabi, nang magsimula ang sunog sa isang pabrika ng candy sa Barangay San Rafael sa Navotas City.

Umabot din sa 2nd alarm ang sunog at naideklarang fire out, alas 11:23 ng gabi.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa magkasunod na sunog.

Read more...