Buong Visayas at Mindanao apektado ng ITCZ – PAGASA

Apektado ng Intertropical Convergence Zone ang Visayas at Mindanao.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw na ito ang magiging mainit at maalinsangan ang panahon sa Luzon na may panandaliang mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Sa buong Visayas at Mindanao naman mararanasan ang kalat-kalat na mga pag-ulan dahil sa ITCZ.

Samantala, wala namang sama ng panahon na papasok o mabubuo sa susunod na tatlong araw sa loob at labas ng bansa.

Read more...