Boeing inaming ilan sa kanilang 737 planes kabilang na ang 737 Max Aircraft ay maaring may depekto

Inamin ng kumpanyang Boeing na ilan sa kanilang 737 planes kasama na ang 737 Max Aircraft ay mayroong depektibong bahagi sa pakpak ng eroplano.

Ayon sa Boeing, nakipag-ugnayan na sila sa mga airline company na gumagamit ng 737 planes at inabisuhan ang mga ito na inspeksyunin ang kanilang aircraft.

Partikular na pinaiinspeksyon ang mga 737 Max at 737 NG.

Ayon sa Federal Aviation Administration, ang depekto ay maaring sa pakpak ng eroplano na bagaman hindi makapagpapabagsak ng eroplano ay maari itong magdulot ng damage habang ito ay nasa flight.

Nagpalabas na ng service bulletin ang Boeing at maglalabas din ng airworthiness directive ang FAA para obligahin ang mga airline company na magsagawa ng repair sa susunod na 10 araw.

Read more...