Ilang oras bago ang pormal na pagbubukas ng klase, grupo ng mga guro maagang nagprotesta sa Mendiola

Maagang nagsagawa ng kilos protesta ang grupo ng mga guro sa Mendiola, Maynila ilang oras bago magbukas ang klase.

Nagsagawa ng aktibidad ang grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) na tinawag nilang “Almusalang Guro”.

Nag-almusal sila ng kanin, instant noodles, at dilis na sumasalamin anila sa maliit na kita ng mga guro.

Igiinit ng grupo sa pamahalaan na ipagkaloob na ang hiling nilang dagdag-sahod at iba pang mga benepisyo.

Agad din namang tinapos ng grupo ang kanilang aktibidad matapos ang simpleng almusal.

Read more...