Inutusan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang mga pulis na tulungan ang mga estudyanteng mabibiktima ng bullying sa pagbubukas ng klase ngayong araw (June 3).
Inatasan ni Eleazar ang limang district directors sa Metro Manila na aksyunan ang reklamo ng bullying sa mga estudyante.
Paliwanag ni Eleazar, kadalasang ang bullying cases na iniuulat sa pulis ay kagagawan ng mga out-of-school youth.
Inaagawan umano ng allowance o pagkain ng mga batang kalye ang mga estudyante.
“We should keep on eye on out-of-school youth whose modus operandi is to threaten either elementary or high school students so they would yield to their demands,” ani Eleazar.
Pinayuhan naman ni Eleazar ang mga pulis na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng eskwelahan sa pagtugon sa mga bullying incidents na direktiba mismo ni Philippine National Police chief Gen. Oscar Albayalde.
Kabuuang 7,153 pulis ang ipakakalat sa Metro Manila ngayong araw kung saan 2,000 ay tatao sa mga itatayong Police Assistance Desks.