Sugatan sa pagsabog sa Sampaloc, 7 katao na

Umabot na sa pitong katao ang nasugatan sa nangyaring pagsabog sa Sampaloc, Maynila kanina alas 8:00 ng umaga, June 3.

Nakilala ang mga sugatan nadumaan lamang sa lugar na sina Marilyn Parreño, 57 anyos, Merliza Defeo, 42 anyos, at Shirley Villarazo, 28 anyos.

Nadamay din ang 3 anyos na bata na si Mark Joseph Macabale kasama si Live Espino na 28 anyos, Reaniel Garcia na 37 anyos, Jeffrey Hernandez na 28 anyos.

Dinala ang mga biktima sa Mary Child General Hospital kung saan binibigyan ng lunas ang mga biktima.

Gas leak ang dahilan ng pagsabog sa isang tea house kung saan nadamay ang mga kalapit na establisyimento ayon sa Manila Police District (MPD).

Read more...