Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang dalawang nabanggit na lugar.
Sa Metro Manila naman at natitirang parte ng bansa ay magkakaron ng maulap hanggang sa maulap na papawirin na may panaka-nakang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorsm.
Inabisuhan naman ng PAGASA ang mga tao na mag-ingat sa mga posibleng pagbaha at landslides na dulot ng maulang panahon.
MOST READ
LATEST STORIES