6 katao sugatan sa pagsabog sa Sampaloc, Maynila

Nasaktan ang anim na katao sa nangyaring pagsabog sa Gastambide Street sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa paunang report, nangyari ang pagsabog Yogurt and Teahouse at nadamay ang Jashley Hydro Refilling Station.

Nasira ang mga pintuan ng mga nasabing tindahan at nabasag naman ang mga bintana ng Mary Chiles General Hospital.

Nadamay rin ang anim na sasakyan na nakaparada sa lugar.

Ayon naman sa imbestigasyon ng Manila Police District Explosive and Ordnance Division, tumagas na gas ang dahilan ng pagsabog.

Amoy LPG pa rin pinangyarihan.

Naganap ang pagsabog kaninang bandang alas 8:00 ng umaga.

Read more...