Thurman tuturuan ng leksyon ni Pacman

Nagsimula na ang pagsasanay ni eight-division world boxing champion at senador Manny “Pacman” Pacquiao para sa kanyang laban kontra kay Keith Thurman.

Ayon kay Buboy Frenandez, trainer at nakababatang kaibigan ni Pacquiao, hindi magiging mabait si Pacman kay Thurman sa loob ng boxing ring.

Aniya, ang pinag-uusapan ngayon ay ang career at ang reputasyon ng Pambansang Kamao.

Si Thurman ay bastos makipag-usap kaya dapat daw itong turuan kung paano rumespeto ayon kay Fernandez.

Dagdag pa ni niya, ang inaasal ni Thurman ay natural lang daw para sa isang kinakabahang boksingero.

Si Thurman ay 10 taong mas bata kay Pacquaio.

Magaganap ang paghaharap ng dalawa sa July 20 na gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas.

Read more...