2 lalaki sa Navotas arestado dahil sa droga

Nahuli ng pulisya ang dalawang lalaking umano’y tulak ng druga sa Navotas.

Nakilala ang mga suspek na sina Jemar Limcioco alyas Emok, at Alfredo Alferez alyas Balong.

Nakuha sa mga suspek ang apat maliit ng selyadong pakete ng hinihinalang shabu, P300 buy-bust money, perang nagkakahalaga ng P2,500.

Nahaharap naman ang dalwang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Navotas Police station.

Read more...