2 sakay ng motorsiklo patay sa aksidente sa EDSA

Nasawi ang rider at angkas ng isang motorsiklo matapos maaksidente sa EDSA Linggo ng madaling araw.

Ayon sa otoridad, naganap ang aksidente sa ilalim ng Quezon Avenue flyover pasado alas 3:00 ng umaga.

Nabatid na sumalpok ang motorsiklo sa isang taxi na may plakang ACA 6908.

Wala namang tinamong sugat ang taxi driver pero sira ang likurang bahagi ng minamaneho nitong sasakyan.

Dinala sa ospital ang dalawang biktima pero namatay kalaunan.

 

Read more...