Twilight star Robert Pattinson gaganap na bagong Batman

Napili ang Hollywood actor na si Robert Pattinson na gaganap na bagong Batman, matapos talunin ang ilang kapwa aktor kabilang si Nicholas Hoult.

Ayon sa report, nakatakdang gampanan ng 33 anyos na dating lead star ng Twilight ang karakter ng vigilante superhero.

Ang Batman version ni Pattinson ay sa ilalim ng direksyon ni Matt Reeves, ang nasa likod ng dalawang huling sequels ng Planet of the Apes.

Sa susunod na mga buwan ay sisimulan na ang shooting ng Batman at sa June 2021 ang target release nito.

Bago dito ay sumikat si Pattinson bilang Edward Cullen sa Twilight saga.

Huli itong lumabas sa sci-fi mystery na High Life kung saan napansin ang kanyang pag-arte.

Bilang Batman, papalitan ni Pattinson si Ben Affleck na nagretiro sa role matapos gampanan ang karakter ni Bruce Wayne sa Batman vs Superman: Dawn of Justice noong 2016 at Justice League noong 2017.

 

Read more...