Impeachment vs Comelec officials ikakasa ng election watchdog

Cathrine Gonzales / INQUIRER.net

Maghahain ang isang election watchdog ng impeachment complaint laban sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa umanoy electoral sabotage.

Ayon kay Mike Aragon, tagapagsalita ng grupong Mata sa Balota, nilabag ng mga commissioners ng Comelec ang mga probisyon ng batas ukol sa automated elections.

Hinimok ng Mata sa Balota ang publiko sa suportahan ang panukalang amyendahan ang Konstitusyon na mag-aabolish o bubuwag sa Comelec.

Una nang hiniling ng grupo ang suspensyon o dismissal ng ilang Comelec officials.

Inakusahan ng Mata sa Balota ang Comelec commissioners na umanoy bigong maipatupad ang automated election system law.

 

Read more...