Kenny Rogers, isinugod sa ospital dahil sa dehydration

Ayon sa official Twitter account ni Kenny Rogers, siya ngayon ay nasa Georgia Hospital dahil sa dehydration.

Noong Biyernes, sinabi ni Rogers na kasalukuyan siyang mananatili sa nasabing ospital para sa physical therapy nito upang muling manumbalik ang dating lakas.

Lubos namang nag papasalamat ang aktor at singer sa mga panalangin at pag aalala ng mga fans nito.

Sa isa rin nitong pahayag ay tiniyak niya sa kanyang mga taga hanga na patuloy pa siyang mabubuhay sa loob ng mahaba pang panahon.

Read more...