16 pang flights ng Cebu Pacific, kinansela

Inquirer file photo

Dahil sa hindi magandang lagay ng panahon, nag-anunsyo pa ang Cebu Pacific ng 16 na karagdagang flight cancellations ngayong araw ng Martes, December 15.

Narito ang listahan ng mga kanseladong flights:

* Manila-Legazpi-Manila flights 5J 319, 5J 320, 5J 321, at 5J 322

* Manila-Roxas-Manila flights 5J 373, at 5J 374

* Ceb Go Manila-Caticlan-Manila flights DG 6223, DG 6224, DG 6225, DG 6226, DG 6227, DG 6228, DG 6229, at DG 62230

* Manila-Naga-Manila flights DG 6113, at DG 6114.

Ayon naman sa Cebu Pacific, kaya nila ma-accomodate ang mga pasahero oras na gumanda na ang panahon.

Gayunman, maaari namang mamili ang pasahero kung gusto nilang ipa-rebook na lamang ang kanilang flights sa loob ng 30 araw mula sa petsang nakatakdang umalis, o kaya ay humingi na lamang ng full refund o travel fund.

Read more...