Nagbabala si Thony Dizon, chemical safety campaigner ng EcoWastePH sa mga magulang na mamimili ng mga school supplies para sa kanilang mga anak.
Ayon kay Dizon, lead at cadmium ang dalawang klaseng kemikal ang kadalasang hinahalo sa mga school supplies lalo na yung gawa sa mga plastic materials.
Ipinaliwanag ni Dizon na ang lead ay nakasasama sa utak at ang cadmium naman ay posibleng pagmulan ng cancer.
Pero nilinaw naman ni Dizon, na hindi ibig sabihin na na-expose agad dito ay lalabas na agad ang mga sintomas, depende parin ito sa tagal ng exposure.
Panawagan naman niya sa mga magulang na huwag basta bumili ng mura, dapat tingnan ng mabuti ang label ng isang produkto bago ito bilhin at dapat ding tiyakin kung ito ba ay may approval ng Food and Drugs Administration (FDA).
Hinihikayat naman niya ang manufacturers na dapat properly labeled ang kanilang mga produkto.