3 drug pushers arestado sa Quezon City

QCPD photo

Arestado ang dalawang lalaki at isang babae na hinihinalang tulak ng droga sa Quezon City, matapos ang ginawang magkahiwaly na buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), Biyernes, May 31.

Ayon sa report ng QCPD, unang nahuli sa may Barangay Paang Bundok, kagabi sina Myla Serrano, 46-anyos at Jorge Traquina, 36-anyos, nakuha sa kanila ang dalawang pirasong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,720.00.

Bandang 8:30 ng gabi naman nahuli si  Erwin Abancenia, 31-anyos, sa Barangay St. Peter, at nakuha sa kanya ang apat na maliliit na selyadong transparent plastic na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680.00 at P500.00 pesos bilang buy-bust money.

Kakarapin naman ng mga suspek ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 o R.A. 9165.

Kasalukuyan naman na nakakulong ang mga suspeck sa La Loma Police station.

Read more...