M3.0 na lindol naitala sa Masbate

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Masbate alas-4:35 Sabado ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 13 kilometro Hilagang-Silangan ng Aroroy.

May lalim itong anim na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...