Trapik, taas-presyo asahan sa pamimili ng school supplies ngayong weekend

Pinaghahanda ng pulisya ang publiko sa mabigat na daloy ng trapiko at maraming tao kasabay ng dagsa ng mga tao sa mga pamilihan para humabol sa pagbili ng school supplies bago ang pasukan sa mga pampublikong eskwelahan sa Lunes June 3.

Pinayuhan din ang mga mamimili na mag-ingat sa pamimili ng mga gamit sa eskwela, huwag makipag-usap sa hindi kakilala at huwag ng magsama ng bata.

Ayon kay Police Major Alden Panganiban, hepe ng Juan Luna Police Precinct sa Maynila, patuloy ang kanilang clearing operations sa mga harang sa mga kalsada na magpapalala ng trapik gaya na lang ng mga nagtitinda ng school supplies.

Samantala, asahan na rin ang taas presyo ng mga gamit sa eskwela kabilang ang papel at tela sa uniporme.

Hinimok ang mga mamimili na mamili ng wholesale o maramihan kaysa tingi para mas makatipid.

 

Read more...