Phoenix Petroleum unang magpapatupad ng bigtime rollback sa petrolyo

Nag-anunsyo na ang Phoenix Petroleum ng bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.

Buena mano ang kumpanya na magpapatupad ng rollback na epektibo agad alas-12:00 ngayong tanghali.

May bawas ang Phoenix na P1.75 sa kada litro ng gasolina habang P1.05 naman sa kada litro ng diesel.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong rollback sa presyo ng petrolyo.

Samantala, inaasahang mag-aanunsyo na rin ng bawas-presyo ang iba pang kumpanya ng langis.

 

Read more...