Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Ayon sa abiso na inilabas alas 6:59 ng gabi ng Biyernes, May 31, malakas na pag-ulan ang mararanasan sa susunod na dalawang oras sa Metro Manila, Bulacan, Rizal at Pampanga.

Samantala, heavy hanggang intense na pag-ulan naman ang nararanasan na sa Capas, San jose at San Manuel, Tarlac; Cuyapo, Nueva Ecija; Palauig, Iba, San Felipe, San Narciso, San Antonio at San Marcelino, Zambales; Silang at Dasmarinas, Cavite; Pete at Kalayaan, Laguna; General Nakar, Mauba, Tayabas, General Luna, Lopez, at Macalelon sa Quezon.

Pinapayuhan ang lahat ng residente sa nasabing mga lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...