2 patay sa aksidente sa Davao City

Inquirer file photo

Dalawa ang nasawi sa aksidente na naganap sa Quimpo Boulevard sa Davao City, Biyernes (May 31) ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, nasawi ang driver ng kotse na nakilalang si Melody Sotelo Ybañez, 27 anyos at kasama niyang si Janilou Faye Rosales, 21 anyos.

Nabatid na kaga-graduate lamang ni Rosales sa kursong Bachelor in Medical Laboratory Science sa San Pedro College noong Marso.

Sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa isang pampasaherong bus.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nag-counterflow umano ang kotse at sumalubong sa linya ng bus.

Patungo na ng terminal ang bus nang yari ang aksidente.

Read more...