Ayon kay John Simon, port collector sa Mindanao International Container Terminal, ang nasabing mga basura galing Hong Kong ay dumating sa bansa noong Pebrero at idineklara bilang electronic accessories.
Ang consignee nito ay may address sa Pasay City at abandonado ang kargamento mula nang dumating noong Pebrero.
Kalaunan natuklasang ang laman nito ay mga basura o mga electronic waste gaya ng computer parts.
Sinabi ni Simon na isang container lang ang naturang mga basura pero kailangan itong maialis agad sa bansa dahil hazardous ang laman nito.
Hindi kasi aniya municipal waste o household waste ang laman ng container kundi mga electronic waste na medyo mataas ang chemical content.