LOOK: Ilang lansangan sa Makati isasara sa Sabado, June 1 para sa victory party

Magdaraos ng victory party para sa mga nanalong kandidato sa Makati City sa katatapos na midterm elections.

Dahil dito, nagpa-abiso na ang city government ng Makati na may mga kalsadang isasara at magpapatupad ng traffic rerouting scheme para sa mga maaapektuhang motorista.

Isasara ang bahagi ng Makati Avenue mula sa J.P. Rizal Avenue hanggang sa Kalayaan Avenue maghapon ng June 1 hanggang alas 12:01 ng tanghali ng June 2.

Pinapayuhan ang mga maapektuhang motorista na gamitin ang sumusunod na ruta:

Sa mga sasakyang galing Makati-Mandaluyong Bridge at galing Rockwell via JP Rizal at patungong Makati Avenue (Southbound)

– Dumaan sa JP Rizal, kumaliwa sa N. Garcia patawid ng Kalayaan, kaliwa sa Sen. Gil Puyat at kanan sa Makati Ave.
– Dumaan sa JP Rizal patunto sa ZApote Street, kaliwa sa Kamagong Street, kanan sa Ayala Avenue extension at tumawid sa Gil Puyat

Sa mga sasakyang sa Makati Avenue galing Makati CBD / Gil Puyat at Ayala District (NB)
– Mula Makati Ave., kumanan sa P. Burgos Street, tawid ng Kalayaan Avenue, JP Rizal Avenue patungong Mandaluyong

Ayon sa Makati City government magtatalaga sila ng sapat na bilang ng enforcers mara matiyak ang maayos na daloy ng traffic.

Read more...