Sa programa ni Tulfo sa Radyo Pilipinas, araw ng Biyernes, inamin niya na sumbobra ang kanyang pananalita sa dating army general.
Pero ayon kay Tulfo ginagawa lamang aniya ang kanyang trabaho bilang isang mamamahayag na punahin ang mga opisyal ng gobyerno.
Paglilinaw din niya na humihingi siya ng paumanhin sa excessive na pagra-rant pero hindi sa kanyang pagpuna sa kawani.
Matatandaang sinabi ni Tulfo sa kanyang isang programa na buwang at pagsasabihan nya ang sekretarya matapos hindi pumayag na magpa-interview si Bautista.
Binanggit din ni Tulfo na sasampalin ang dating heneral na ikinadismaya naman ng mga aktibo at nagretirong mga sundalo.
Dagdag pa niya, dapat inaasahan na ni Bautista ang kritisimo kahit na isa siyang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Tulfo ay kilala sa kanyang matalas na dila at matapang na personalidad.