P1M halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa parking lot ng mall sa Taguig

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig City ang aabot sa P1 milyon halaga ng ilegal na droga.

Isinagawa ng mga tauhan ng PDEA ang buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa DBP Avenue, FTI complex sa Taguig pasado alas 11:00 ng umaga ng Biyernes, May 31.

Nadakip sa nasabing operasyon ang mga suspek na sina Ashary Ampaso Mangondaya at Hapida Abdul Sultan.

Nakumpiska sa kanila ang tinatayang 150 gramo ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...