Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Nueva Ecija at Cavite

Nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa lalawigan ng Nueva Ecija at Cavite.

Ayon sa abiso na inilabas alas 5:39 ng hapon ng Biyernes, May 31, uulanin sa susunod na dalawang oras ang dalawang lalawigan.

Samantala, heavy hanggang intense na pag-ulan naman ang nararanasan na sa San Marcelino, Zambales; Los Banos, Bay, Calauan, Nagcarlan, Rizal at Majayjay sa Laguna; Santo Tomas, Batangas; Tayabas, Lucban, Candelaria, Pagbilao, Atimonan, at Mauban, Quezon.

Pinapayuhan ang lahat ng residente sa nasabing mga lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...