PMA Alumni Association dismayado sa mga pahayag ni Erwin Tulfo laban kay DSWD Sec. Bautista

Kinondena ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMAAAI) ang mga naging pahayag ni Erwin Tulfo sa kanyang programa laban kay dating army general at kasalukuyang DSWD secretary Rodolfo Bautista.

Ayon sa tagapagsalita ng asosasyon na si Coronel Noel Detoyato, sinusuportahan nila ang DSWD secretary at handa silang tumulong sa mga legal na hakbang na gagawin nito.

Maaari rin umano silang magsampa ng libel at oral defamation cases at maghain ng reklamo sa MTRCB laban kay Tulfo ayon kay PMAAAI president Arthur Bisnar.

Nilinaw naman na gagawin lamang nila ito kapag pumayag ang buong board sa hakbang.

Sinabi rin ng dating presidente ng samahan na si Brigader General Rodolfo Azurin ay naghayag na rin ang Scout Rangers kay Bautista ng tulong at dapat umanong mag-ingat si Tulfo sa kanyang pagsasalita.

Ani Detoyato, ang paghingi ng tawad ni Tulfo ay kanilang kinikilala ngunit depende pa rin kay Baustista kung tatanggapin niya ito o hindi.

Matatandaang nagsalita ng hindi maganda si Tulfo laban kay Bautista nang hindi ito pumayag magpa-interview sa kanyang programa.

Read more...