Daan-daan pumila para sa feeding program ni Mayor Sara Duterte sa Davao City; 2 nag-collapse dahil sa matinding init

Nawalan ng malay ang dalawang katao habang nakapila para sa feeding program ni Davao City Mayor Sara Duterte sa Davao City.

Ang feeding program sa Rizal Park sa lungsod ay bilang pagdiriwang sa ika-41 kaarawan ni Mayor Sara.

Nagsimula ang programa alas 8:00 ng umaga at humaba ng humaba ang pila ng mga tao.

Pasado alas 10:30 ng umaga nang mawalan ng malay ang isang batang babae na nakapila para sa feeding program.

Ayon sa 911 Rescue Unit ng lungsod ang bata na nasa edad 10 ay agad dinala sa pagamutan.

Maaring matinding init umano ang dahilan ng kaniyang pag-collapes.

Ala 1:30 naman ng umaga nang mawalan din ng malay ang isang 58 anyos na lalaki.

Sa kabila ng nangyari nagpatuloy naman ang programa na nag-alok ng arroz caldo sa mga pumila ng maaga at kanin at ulam para sa mga inabot ng tanghali.

Read more...