PH envoys na ni-recall maari nang bumalik ulit sa Canada ayon sa DFA

Binigyan na ng go signal ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang mga diplomat ng bansa na bumalik ng Canada.

Ito ay makaraan silang i-recall dahil sa isyu sa basura ng Canada na dinala dito sa Pilipinas.

Ayon kay Locsin, maari nang kumuha ng flight pabalik ng Canada ang mga ambassador at consul na pinauwi.

Humingi rin ng paumanhin si Locsin sa mga opisyal sa abala na naidulot sa kanila ng problema.

Noong May 16 nang ipag-utos ni Lacsin ang recall sa lahat ng Philippine ambassador at consuls sa Canada dahil sa kabiguan nitong makatugon sa May 15 deadline para mahakot ang kanilang basura.

Pero dahil nagsimula na ang pagbiyahe sa mga basura pabalik ng Canada sinabi ni Locsin na makababalik na muli doon ang mga opisyal ng Pilipinas.

Read more...