Ayon sa pahayag ng Western Mindanao Command (Wesmincom), ang katawan ng Dutch birdwatcher na si Ewold Horn ay na-recover matapos ang isa at kalahating oras na bakbakan sa pagitan ng mga bandido at militar sa Sitio Bud Sub-Sub sa Barangay Pansul.
Na-recover din ang wala nang buhay na katawan ni Mingayan Sahiron na pangalawang asawa ni Abu leader Radullan Sahiron.
Sinabi ni Brig. Gen. Divino Rey Pabayo Jr., commander ng Joint Task Force Sulu, binaril si Horn ng isa sa mga bandidaong nagbabantay sa kaniya nang magtangka syang tumakas sa kasagsagan ng bakbakan,
Naka-engkwentro ng militar ang grupo ni Sahiron na tinatayang nasa 30 ang miyembro dakong alas 7:41 ng umaga ng Biyernes, May 31.
Umabot sa anim na bandido ang nasawi at labingdalawa ang nasugatan.
Sa panig naman ng mga sundalo, mayroong dalawa ang nagtamo ng tama ng bala ng baril at anim ang nagtamo ng shrapnel wounds.
Si Horn ay dinukot sa Tawi-Tawi noong Feb. 1, 2012.