Isinagawa ang operasyon sa Carbon Public Market kung saan nadatnang naka-display at ibinebenta ang karne ng stingray sa isa sa mga tindahan sa seafood section.
Ayon kay Dr. Alice Utland, pinuno ng DVMF, agad dinakip ang tindera na si Maricar Noquillo.
Ani Utlang, may nakita silang isang stingray na nakalatag at ibinebenta at nang inspeksyunin ang tindahan ay natagpuan ang maraming iba pa.
Labag sa City Ordinance No. 2006 ang pagbebenta at pagbili ng karne ng stingray at pating.
Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay pagbabawalan nang magtinda sa palengke at pagmumultahin ng P1,000 para sa unang paglabag.