Dumalo si Espenido sa promulgation ng kaso ni Parojinog Jr. sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).
Nagpasalamat si Espenido sa naging pasya ng korte dahil nagbunga na aniya ang effort ng mga pulis na nagsagawa ng operasyon sa bahay ng pamilya Parojinog.
Nakikita rin ni Espenido na magandang panimula ito sa iba pang drug cases na nakasampa sa iba’t ibang mga korte sa bansa laban sa malalaking personalidad na sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.
Ang operasyon noon sa bahay ng pamilya Parojinog ay pinangunahan ni Espenido na ikinasawi ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at asawa niyang si Susan.
WATCH: Ozamiz City Police Major Jovie Espenido’s reaction after Reynaldo Parojinog was found guilty. @inquirerdotnet pic.twitter.com/xBqUojnltb
— Tetch Torres-Tupas (@tetchtorres) May 31, 2019