Ayon kay De Leon, lumagda na siya ng kontrata sa True Model Management.
Sa Instagram post, sinabi ni De Leon na noon ay may mga pangamba pa siya kung siya ba ay maituturing na “model-worthy”, “beauty queen-worthy” o kung siya ba ay maganda.
Pakiramdam umano niya noon ay kailangan niya ng matinding pagbabago para lamang magtagumpay sa modeling industry.
Pero ani De Leon, tanggap na ngayon ng industrya ang iba’t ibang tipo ng mga babae at lalaki.
Hindi na aniya tinignan ngayon ang size, kulay, pinagmulang lahi o background.
Nagpasalamat naman si De Leon sa kumpanya sa pagtitiwala sa kaniyang kakayahan at nangakong hindi niya ito bibiguin.
Sa official Instagram account naman ng True Model Management ibinahagi ang larawan ni De Leon, pero tinukoy itong “Maria” sa halip na “Mariel” na kaniyang ginagamit na pangalan.